4Ps beneficiaries magkakaroon na rin ng social insurance mula sa SSS

Nakatakdang pumirma ng memorandum of agreement (MOA) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at SSS upang magiging low-cost social insurance policyholders ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay DSWD Assistant Secretary and spokesperson Irene Dumlao, magaganap ang pirmahan bukas, Hulyo 8.

“The DSWD is fortunate to collaborate with the state-run SSS. This partnership with SSS will extend social security coverage to our 4Ps beneficiaries, providing them with safety nets from income loss, sickness, and other financial burden,” pahayag ni Dumlao.

Sa ilalim ng MOA, tutulong ang SSS sa DSWD sa pagrehistro at pagproseso ng mga aplikasyon ng mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Bukod pa riyan ay magsasagawa rin ang dalawang ahensya ng mga seminar at orientation activities para sa mga benepisyaryo.

“It is necessary that our 4Ps beneficiaries are educated on the importance and benefits of SSS membership and savings. This also contributes to our financial literacy efforts among our beneficiaries,” dagdag pa nito.