459 preso ng Bilibid, nilipat sa Iwahig

Aabot sa 459 inmates ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan Sabado ng gabi.

Aabot sa 459 inmates ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa ang inilipat sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan Sabado ng gabi.

Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang, Jr., ang paglipat ng mga preso ay bahagi ng inisyatiba upang solusyunan ang isyu ng overcrowding sa Bilibid.

“All the PDLs (persons deprived of liberty) arrived safely at IPPF except for one diagnosed with Hypokalemia. He was brought to the IPPF in an ambulance,” ani Catapang.

Samantala, 11,347 inmates naman ang napalaya ng BuCor mula June 2022 hanggang January 2024 bilang bahagi ng “Bilis Laya” project na decongestion program ng ahensya.

Ilan sa mga napalaya ay nakatapos na ng kanilang sentensya, napawalang sala, napaaga ang laya dahil sa maganda asal sa loob ng piitan o ‘di kaya’y mga nabigyan ng pardon at parole.