440 infra projects handog ni PBBM sa Northern Mindanao

Aabot sa 440 infrastructure projects ang ibubuhos ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Northern Mindanao.

Aabot sa 440 infrastructure projects ang ibubuhos ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Northern Mindanao.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka at mangingisda sa Tubod, Lanao del Norte, sinabi nito na nasa P27.62 milyon ang nakaalaang pondo.

Kabilang sa mga proyekto ang farm-to-market roads, irrigation systems, at potable water systems na gagawin ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Nasa 176 agrarian reform communities (ARCs) o 524 agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) ang makikinabang sa rehiyon.

“Ilan lamang po iyan sa mga ginagawa nating hakbang upang matiyak na mayroong sapat na pagkain ang sambayanang Pilipino,” the President said. “Asahan ninyong pag-iibayuhin pa namin ang pagsiguro na namumuhay nang may dignidad at kaginhawaan ang ating mga magigiting na magsasaka,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa 440 na proyekto, 155 ang itatayo sa Bukidnon; 26 sa Camiguin; 55 sa Lanao del Norte; 142 sa Misamis Occidental; at 62 sa Misamis Oriental.

Sa ngayon, 21na ang ongoing infrastructure projects.