44-anyos na Albayano kinilala bilang 2023 NCCA writer’s prize winner

Bukod sa NCCA Writer's Prize, kinilala rin siya bilang Outstanding Albayano Artist of Literature, nanalo ng Kabulig Writer's Prize at iba pang pagkilala.

ALBAY – Pinarangalan bilang kampeon sa 2023 National Commision for Culture and the Arts (NCCA) Writer’s Prize ang 44-anyos na si Jaime Jesus Uy Borlagdan ng Barangay Karangahan, Tabaco City, Albay.

Nitong December 9, 2023 nang siya ay pinarangalan ng NCCA.

Sa edad na 16, mahilig na siya sa pagsusulat ng mga kwento. Nag-aral siya sa University of the Philippines (UP) Diliman Campus habang walong libro na ang kanyang nasulat.

Bukod sa NCCA Writer’s Prize, kinilala rin siya bilang Outstanding Albayano Artist of Literature, nanalo ng Kabulig Writer’s Prize at iba pang pagkilala.

Samantala sa susunod na taon, posible nang maisapuliko ang kaniyang sinulat.