4,000 seniors sa CamSur, nakatanggap ng pensyon

Nakuha na ng halos 4,000 senior citizen sa Camarines Sur ang kanilang social pension na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development-5 (Bicol).

Nakuha na ng halos 4,000 senior citizen sa Camarines Sur ang kanilang social pension na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development-5 (Bicol).

Ayon sa ahensya, nasa P6,000 ang natanggap ng mga senior sa naturang lugar.

Ayon kay DSWD-5 social pension information officer Jastine Joy Dichoso Escuro na nakatakda muli silang magsagawa ng isa pang pension payout sa apat na LGU sa Camarines Sur at Camarines Norte ngayong Abril.

Aniya pa, ang tulong na ibinigay ng pamahalaan ay inilaan para sa kabuhayan at suporta sa medikal ng mga matatanda.

“Since the increase of the social pension from PHP500 to PHP1,000, the Ragay town in Camarines Sur elderlies received the first payout in the region. There are currently four local government units (LGUs) from Camarines Sur and Camarines Norte scheduled for payout this April, with ongoing processing of other LGUs,” saad ni Escuro.

Samantala, sinabi ni Escuro na mayroong mahigit 200,000 na mahihirap na senior citizen ang kwalipikado na makatanggap ng benepisyo ng social pension sa Bicol region.