400 silid paaralan sa Makati nakatakdang maging ‘smart classrooms’

Nakatakdang maging "smart classroom" ang nasa 400 na silid aralan sa Makati bilang bahagi ng pagpapa-taas ng kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Nakatakdang maging “smart classroom” ang nasa 400 na silid aralan sa Makati bilang bahagi ng pagpapa-taas ng kalidad ng edukasyon sa lungsod.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, lalagyan ngayong taon ngng interactive whiteboards, notebook tablets, at internet access ang mga classroom.

Bukod pa rito ay magpapamahagi rin ang Pamahalaang Lungsod ng libreng uniporme, sapatos, school supplies, at pagkain sa mga mag-aaral.

“Beyond offering free uniforms, leather shoes, sneakers, school supplies, and snacks, Makati takes an extra step with the introduction of smart classrooms,” pahayag ng alkalde.

“Equipped with hybrid interactive boards, notebook tablets, and unlimited internet access, Makati’s smart classrooms aim to revolutionize students’ learning experience.

We believe in more than just providing the essentials for education. We help our students reach their full potential,” dagdag pa ito.