4 sundalo patay sa ambush sa Maguindanao del Sur

Nasawi ang apat na sundalo sa naganap na ambush sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo ng umaga.

Nasawi ang apat na sundalo sa naganap na ambush sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Linggo ng umaga.

Base sa ulat ni Army 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Alex Rillera, ang tatlo sa mga namatay ay kabilang sa Army’s 40th Infantry Battalion (IB), habang ang isa ay mula sa 3rd Army Cavalry, kung saan ang may ito ay nasa ilalim ng 601st Infantry Brigade (Bde).

Pabalik na umano sana sa kanilang base ang apat matapos ang kanilang gawain sa pamilihan nang bigla umanong harangin ang mga ito ng Dawlah Islamiya (DI) terrorists.

Dahil sa pangyayari, mas naging determinado umano ang Philippine Army sa paghuli sa mga terorista.

“We also stand in solidarity with the families of our four fallen heroes who paid the ultimate sacrifice,” pahayag ni Philippine Army commanding general Lt. Gen. Roy Galido.

Samantala, pinangako ni Galido na makatatanggap ng tamang benepisyo at katarungan ang mga naulila.