4 pulis arestado sa pag-kidnap ng mga foreigner sa Pasay

Apat na pulis ang sangkot sa kidnapping ng apat na dayuhang biktima sa Pasay City, ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules.

Apat na pulis ang sangkot sa kidnapping ng apat na dayuhang biktima sa Pasay City, ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules.

Ayon kay Abalos, kabilang sa mga suspek ang isang traffic police mula Makati at tatlong iba pang pulis na nakatatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ibinahagi niya, “This incident is a serious breach of public trust and the core values of the police force. The Philippine National Police (PNP) will not tolerate any misconduct within their ranks,”

Ayon sa imbestigasyon, pinaniniwalaan na ang apat na pulis ay sangkot sa isang modus operandi kung saan dinedetine at pinagbabantaan ang mga biktima para lamang makakuha ng pera. Kinilala ang mga suspek na sina:

– Police Major Christel Carlo Villanueva
– Police Senior Master Sergeant Angelito David
– Police Master Sergeant Ricky Tabora
– Police Staff Sergeant Ralph Tumanguil

Nangyari ang insidente noong Hunyo 2, kung saan sinakay ng mga suspek ang apat na dayuhang biktima nang kanilang sasakyan ay pinatigil sa Taft Avenue. May nakaabang ding puting van sa likuran ng sasakyan ng mga biktima.

“Pagkatapos bumababa at kinuha yung apat na dayuhan. They abducted the four individuals,” ani Abalos.

Dalawa sa apat na biktima ay nakapagtanan at nakahingi ng tulong mula sa kapulisan. Ang dalawang iba pa na nasugatan ay pinakawalan matapos magbayad ng P2.5 milyong ransom.

Patuloy naman ang manhunt ng kapulisan para sa iba pang posibleng kasabwat, pati na ang umano’y mastermind na sibilyan.