4 Pinoy sakay ng cargo ship na sinakop ng Iran

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na may apat na Pinoy na nakasakay sa cargo ship na sinakop ng Iran.

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na may apat na Pinoy na nakasakay sa cargo ship na sinakop ng Iran.

Pinasok ng special forces ng Iran ang MSC Aries sa pamamagitan ng helicopter.

Dumadaan sa Strait of Hormuz ang naturang container ship nang biglang sumulpot ang isang helicopter at doon bumaba ang Iranian troops.

Ayon naman sa DMW, inatasan na sila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipag-ugnayan sa pamilya ng mga Pinoy seaman na parte ng crew ng MSC Aries.

“Upon the directive of the President, we are in touch with the families of our dear seafarers and have assured them of full government support and assistance,” lahad ng DMW.

“We are also in coordination with the Department of Foreign Affairs, the licensed manning agency, ship manager and operator, to ensure the safety and well-being, as well as work on the release, of our dear seafarers,” saad pa.

Bukod sa mga Pinoy, parte rin ng crew ang ilang Indian, Pakistani, Russian at Estonian.