4 paaralan sa Laguna, binulabog ng bomb threat!

Itinigil ang klase sa apat na paaralan sa San Pedro, Laguna dahil sa pangamba ng pambobomba sa lugar.

Itinigil ang klase sa apat na paaralan sa San Pedro, Laguna dahil sa pangamba ng pambobomba sa lugar.

Ito’y matapos na makatanggap ng mensahe sa Facebook ang mga paaralan mula sa isang nagngangalang Vamir Muhhamad.

Ilan sa nakatanggap ng message ay mga paaralan ng Pacita 1 Elementary School, Pacita National Highschool, Landayan Elementary School at Chrysanthemum Elementary School.

Sa mensahe, nagbanta ito na may sasabog umanong bomba sa mga naturang paaralan.

Kaagad namang nag-inspeksyon ang pulisya, at walang nakitang pampasabog sa mga eskuwelahan.