4 nasaktan! PH supply vessel sa Ayungin, binomba ng water cannon ng China

Walang kaabog-abog na binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ngayong Martes ng umaga.

Walang kaabog-abog na binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang isang supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal ngayong Martes ng umaga.

Ito ang inilahad ng National Task Force for the West Philippine (NTF-WPS) Sea sa isang pahayag.

Ayon sa NTF-WPS, apat na crew ng Unaizah May 4 (UM4) ang nasaktan matapos tamaan at masira ng water cannon ang windshield ng supply boat.

“The use of water cannons by the CG vessels shattered the windshield of UM4, causing minor injuries to at least four (4) personnel on board,” saad ng Task Force.

Agad namang nagbigay ng first-aid ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga nasaktang tauhan.

Nagsasagawa ang UM4 ng Rotation and Reprovisioning (RoRe) mission para sa mga sundalong nakaposte sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Dahil sa tinamong pinsala, napabalik ang UM4 sa Palawan. Naging matagumpay naman ang Unaizah May 1 (UM1) sa naging supply mission nito.

Iniulat din ng Task Force na mapanganib na pagharang ng CCG vessels sa PCG ship na BRP Sindangan (MRRV-4407) na nagresulta sa salpukan at minor damage sa barko ng Pilipinas.