4 na Tsino, timbog sa pamemeke ng dokumento

Inaresto ang apat na Tsino sa Puerto Princesa City, Palawan kamakailan kaugnay ng kinalaman ng mga ito sa pamemeke ng mga dokumento.

Inaresto ang apat na Tsino sa Puerto Princesa City, Palawan kamakailan kaugnay ng kinalaman ng mga ito sa pamemeke ng mga dokumento.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Wang Tao, Li Xiaoming, Guo Zhi Yang, at Lyu Zhiyang.

Nakumpiska mula sa apat ang mga pekeng ID ng mga ahensya sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ang mga driver’s license, postal ID, at maging birth certificate.

Si Lyu ang sinasabing lider ng grupo na isa umanong sindikato na nagbibigay ng mga pekeng dokumento para sa mga undesirable alien sa Pilipinas.

“The arresting team of the operation have been working on the case for several months and have kept close coordination with intelligence forces and law enforcement agents to ensure the smooth arrest of the subjects,” pahayag ni Bureau of Immigration (BI) intelligence division chief Fortunato Manahan, Jr.

Inilipat ang mga suspek sa pasilidad ng BI sa Taguig. Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.