4 na LGU worker sa CamSur patay sa tindi ng init

Apat na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Pili, Camarines Sur ang sunod-sunod na namatay nitong nakaraang linggo, kung saan ang matinding init ng panahon ang itinuturong dahilan.

Apat na empleyado ng lokal na pamahalaan ng Pili, Camarines Sur ang sunod-sunod na namatay nitong nakaraang linggo, kung saan ang matinding init ng panahon ang itinuturong dahilan.

Ayon sa ulat nitong Huwebes, ang mga nasawing empleyado ay kawani ng engineering, public safety, at market security department ng Pili LGU.

Ang edad ng mga nasawing kawani ay mula 40 hanggang 50 anyos.

“Actually pinapakuha ko ang death certificate nito to check kung ano ang other details ng kanilang kalagayan na posibleng nag-contribute para mamatay sila,” saad ni Dr. Rafael Salles, pinuno ng Pili Municipal Health Office.

Isa ang Pili sa mga nagdurusa sa matinding init ng panahon. Nitong Miyerkoles, pumalo sa 48°C ang heat index sa naturang bayan.

Bilang hakbang, inirekomenda ng Pili LGU sa kanilang mga nasasakupan na baguhin ang oras ng trabaho ng mga empleyado nilang nabibilad sa init ng araw.