4.3M mahihirap, ‘di nakatanggap ng 4Ps ayuda dahil kay Imee – Rep. Bongalon

Halos 900,000 pamilya o 4.3 milyong mahihirap na Pilipino ang hindi nakatanggap ng tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2023 dahil inalis ni Sen. Imee Marcos ang pondo para sa kanila.

Halos 900,000 pamilya o 4.3 milyong mahihirap na Pilipino ang hindi nakatanggap ng tulong sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2023 dahil inalis ni Sen. Imee Marcos ang pondo para sa kanila.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Jil Bongalon, P13 bilyon ang inalis ni Marcos sa pondo na para sa mga 4Ps beneficiaries ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“If we do the math, P13-billion divided by P15,000 per household per year, means 867,000 families or 4.3-million poor individuals got zero cash assistance from the Department of Social Welfare and Development’s 4Ps program last year, thanks to Sen. Imee,” sabi ni Bongalon.

Ayon kay Bongalon, vice-chair ng House committee on appropriations, nagsimula itong mag-usisa sa nangyari sa budget noong nakaraang taon dahil mayroon umanong nagrereklamo kaugnay ng 4Ps program.

“I learned that it was Sen. Marcos – as head of the Senate finance sub-committee in charge of DSWD’s budget – who slashed P13-billion from the 4Ps budget. This left the most vulnerable sectors without financial aid last year, possibly until the Department of Social Welfare and Development receives its 2024 budget,” sabi ni Bongalon.

Aniya, si Marcos ang dapat pa-imbestigahan dahil dito.

“Sen. Imee takes issue with AKAP or Ayuda para sa Kapos ang Kita Program of the House of Representatives which will provide cash grants to our ‘near poor’ kababayans. It’s ironic that she even wants a Senate inquiry into AKAP when she should be the one investigated for depri­ving the ‘poorest of the poor’ of P13-billion last year,” giit ni Bongalon.