3M turista bumisita sa Pinas

Aabot sa mahigit tatlong milyong biyahero ang bumisita sa Pilipinas.

Aabot sa mahigit tatlong milyong biyahero ang bumisita sa Pilipinas.

Base sa talaan ng Department of Tourism ngayong buwan ng Hulyo, nasa 3,173,694 ang inbound travelers ang dumating sa bansa.

Sa naturang bilang, 92.55% o 2,937,293 ang mga dayuhan habang ang 7.45% o 236,401 ay mga overseas Filipinos.

Umabot naman sa P282.17 bilyon ang naging visitor receipts sa unang anim na buwan ng 2024, mas mataas ng 32.81% kumpara sa P212.47 bilyong revenue year-on-year.

“This 32.81% rise from last year’s figures not only showcases the growing appeal of the Philippines as a premier travel destination but also underscores the tangible benefits that tourism brings to our economy and our people,” pahayag ni DOT Secretary Christina Garcia Frasco.

“The income generated through tourism directly translates to more opportunities and improved livelihoods for Filipinos, reinforcing the critical role this industry plays in our nation’s progress,” dagdag ng kalihim.

Umaasa si Frasco na madadagdagan pa ang bilang ng mga turista sa mga susunod na buwan.

Nabatid na ang South Korea ang top source ng foreign arrivals, kasunod ang Amerika, China, Japan at Australia.