3M target na bagong botante malapit na maabot ng Comelec

Kaunti na lang ay maabot na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang target na 3,000,000 na bagong botante para sa 2025 midterm election.

Kaunti na lang ay maabot na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang target na 3,000,000 na bagong botante para sa 2025 midterm election.

Ayon sa Comelec, puspusan ang kanilang mga hakbang at paghahanda para mahikayat ang publiko na magparehistro at bumoto.

“Kaunting-kaunti na lang, 3 milyon na ‘yung mga pumupunta sa registration sites. Syempre pag pumupunta sa registration sites hindi lang naga-apply kung hindi ‘yung iba nagpapa-reactivate dahil dating registered voters,” sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

Nakiusap din si Garcia na huwag nang ipagpabukas ang pagrehistro nang sa gayon ay hindi na makipagsiksikan pa ang ilan sa deadline.

“Hanggang September 30 sila pwedeng magparehistro bagamat ating laging inuulit na paalala na huwag naman sanang sasagarin pa doon dahil baka doon naman mapahaba ang pila,” dagdag pa nito