3,000 residente sa CDO, tumanggap ng rice subsidy mula kay Romualdez

Nakatanggap ng 25 kilong bigas at tig-P2,000 ang tatlong libong benepisyaryo mula sa iba't ibang marginalized sector na kinabibilangan ng mga senior citizens, PWDs, single parents, at Indigenous Peoples (IPs) sa Cagayan De Oro City nitong Huwebes, May 16.

Nakatanggap ng 25 kilong bigas at tig-P2,000 ang tatlong libong benepisyaryo mula sa iba’t ibang marginalized sector na kinabibilangan ng mga senior citizens, PWDs, single parents, at Indigenous Peoples (IPs) sa Cagayan De Oro City nitong Huwebes, May 16.

Bahagi ang inisyatibong ito ng Cash and Rice Distribution (CARD) program ni “Mr. Rice” at House Speaker Martin G. Romualdez.

“Isa po ito sa programa ng ating mahal na Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para labanan ang gutom at magbigay ng tulong sa pang-araw-araw na gastusin ng ating mga kababayan, lalo na yung bahagi ng ating mga vulnerable sectors,” sabi ni Romualdez.

Ipininamahagi ang tulong pinansyal at subsidiya sa pamamagitan ng DSWD’s Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).