30 probinsya, apektado ng El Niño ngayong Marso – NDRRMC

Inaasahan nasa 30 probinsya sa bansa ang makararanas ng tagtuyot sa katapusan ng Marso dahil sa El Niño.

Inaasahan nasa 30 probinsya sa bansa ang makararanas ng tagtuyot sa katapusan ng Marso dahil sa El Niño.

Maaari umano itong tumagal hanggang Mayo, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Kabilang ang Abra, Apayao, Aurora, Bataan, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Laguna, Metro Manila, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Pangasinan, Quirino, Rizal at Zambales sa mga lalawigang maapektuhan.

Samantala, umabot na sa mahigit P1 bilyon na pinsalang tinamo ng agrikultura sa bansa, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).