3 referee nadamay sa barilan sa Legazpi, Albay

Sugatan ang tatlong referee matapos silang mabaril sa Brgy. Homapon sa Legazpi, Albay nitong Biyernes, March 22.

Sugatan ang tatlong referee matapos silang mabaril sa Brgy. Homapon sa Legazpi, Albay nitong Biyernes, March 22.

Kinilala ang mga biktima na sina Noel Maravilla, 54; Francis Alejo, 30; at Neleo Armenio, 50; pawang mga basketball referee.

Kakagaling lang sa laro ng basketball ng tatlo nang maisipan nilang mag-inuman sa tapat ng bahay ng isang suspek.

Doon sila pinaputukan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nadamay lang at hindi target ang tatlo sa naturang pamamaril.

Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.