3 probinsya positibo sa red tide!

Positibo sa red tide o paralytic shellfish poison ang tatlong probinsya sa bansa, base sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Positibo sa red tide o paralytic shellfish poison ang tatlong probinsya sa bansa, base sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sinabi ng BFAR, ang mga naturang lugar na apektado ay ang Baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at baybaying tubig ng San Benito sa Surigao del Norte

Ayon sa ahensya, dapat na maging mas maingat sa pagkain ng shellfish sapagkat hindi nawawala ang toxin nito kahit ba lutuin.

Bukod pa riyan ay wala ring pinagkaiba ang lasa at hitsura ng may toxin sa hindi nakalalason na shellfish.