3 preso pagala-gala sa Makati, Taguig? Fake News! – pulisya

Pinabulaanan ng Southern Police District (SPD) ang kumakalat na text message tungkol sa tatlong kriminal na pumuga sa kulungan at ngayo'y pagala-gala sa Makati at Taguig.

Pinabulaanan ng Southern Police District (SPD) ang kumakalat na text message tungkol sa tatlong kriminal na pumuga sa kulungan at ngayo’y pagala-gala sa Makati at Taguig.

Ayon kay SPD Director P/BGen. Mark Pespes, “fake news” ang nag-viral na audio recording at text messages tungkol sa mga puganteng na ngayo’y gumagala sa may Guadalupe sa Makati at EMBO barangays ng Taguig City.

Aniya, nakipag ugnayan sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) Team ng Makati ang SPD pati na sa Guadalupe Nuevo Police Station, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Makati at La Paz Custodial Facility upang alamin kung may katotohanan ang mensahe

Lahat aniya ng ulat na kanilang natanggap ay nagpatunay na walang nakapugang preso sa kani-kanilang pasilidad.

Nanawagan ang SPD sa publiko na maging mapagbantay at paniwalaan lamang ang mga verified information mula sa mga opisyal na pahayag ng otoridad.