3 Pinoy sugatan sa water cannon ng China

Napuruhan ang tatlong Pinoy sa panibagong pag-atake ng China sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Napuruhan ang tatlong Pinoy sa panibagong pag-atake ng China sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Ayon kay National Security Adviser Eduardo Ano, ang mga nasugatan ay Navy personnel na nakasakay sa resupply ship na Unaizah May 4.

Kaagad namang ginamot ang mga sugatan sa escort ship ng Philippine Coast Guard.

Patungong BRP Sierra Madre ang Philippine vessel nang bigla silang tapatan ng water cannon ng China Coast Guard.

Ayon kay Año, regular na ang operasyon ng Pilipinas sa Ayungin Shoal pero patuloy pa rin ang pangha-harass ng China sa mga papasok na barko sa pinag-aagawang teritoryo.

“This is just an ordinary rotation and resupply or provision operation but look at how the Chinese are reacting,” saad ni Año.

Sa kabila nito, siniguro ni Año na hindi sila magpapasindak sa China sa usapin ng West Philippine Sea.

“We will not be deterred. We will not be intimidated,” aniya pa.