3 Pinoy dedo sa pagbaha sa UAE

Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Huwebes na tatlong Pilipino na ang nasawi dahil sa matinding pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).

Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Huwebes na tatlong Pilipino na ang nasawi dahil sa matinding pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).

“With extreme sadness, we report the death of 3 OFWs during the flooding in UAE. Two OFWs died due to suffocation inside their vehicle during the flood. One other OFW died due to a vehicular accident. We shall provide utmost support and assistance to their families,” pahayag ni DMW officer-in-charge Hans Cacdac.

Hindi pa inilalabas ng ahensya ang pagkakakilanlan ng tatlong nasawi. Gayunman, dalawa umano sa mga ito ang babae at ang isa ay lalaki.

Sa isang hiwalay na pahayag, sinabi ng DMW na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine Embassy sa Dubai upang maasikaso ang mga overseas Filipino workers sa naturang lugar. Tinatayang mahigit 648,000 ang mga Pinoy na nasa Dubai.

Ang UAE ay nasa gitna ng pinakamatinding pag-ulan sa loob ng huling 75 taon.