3 patay, higit sa 40 sugatan sa pagsabog sa Mindanao State University-Marawi City

Nangyari ang pagsabog habang ginaganap ang misa sa Dimaporo Gymnasium ng pamantasan na dinaluhan ng mga mag-aaral at guro, ayon sa mga awtoridad. Kinondena ni Lanao del Sur Gov. Mamintal "Bombit" Adiong Jr. at pamunuan ng unibersidad ang insidente.

Tatlo ang patay, habang higit sa 40 ang sugatan matapos magkaroon ng pagsabog sa loob ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City, Linggo ng umaga, Disyembre 3.

Nangyari ang pagsabog habang ginaganap ang misa sa Dimaporo Gymnasium ng pamantasan na dinaluhan ng mga mag-aaral at guro, ayon kay Col. Robert Daculan, Lanao del Sur police provincial office.

Tatlo ang namatay on the spot habang higit sa 40 ang sugatan sa pagsabog, ayon kay Lt. Col. Palawan Miondas, tagapagsalita ng 103rd infantry battalion ng Philippine Army

Itinaas ang alerto ng Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City sa code blue bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasyente.

Kinondena ni Lanao del Sur Gov. Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. ang insidente, at ipinagutos ang pagtugis sa mga salarin.

“I condemn the violent bombing incident that transpired this morning at the Dimaporo Gymnasium at the Mindanao State University during a Sunday mass congregation,” sinabi ng gobernador sa isang pahayag.

“Here in my province, we uphold basic human rights, and that includes the right to religion. Terroristic attacks on educational institutions must also be condemned because these are places that promote the culture of peace and mold our youth to be the future shapers of this country,” dagdag pa ni Adiong. “I urge the security sector to get to the bottom of this IMMEDIATELY!”

“To the families of those whose lives were lost in this senseless act of violence and terrorism, please accept our deepest condolences and sympathies. We will make sure justice will be served,” ayon sa gobernador.

Kinondena rin ng pamunuan ng MSU ang insidente at nakiramay sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

“The Mindanao State University (MSU) community is deeply saddened and appalled by the act of violence that occurred during a religious gathering at the university gymnasium this morning. We unequivocally condemn in the strongest possible terms this senseless and horrific act and extend our heartfelt condolences to the victims and their families. We are committed to providing support and assistance to those affected by this tragedy,” ayon sa pamunuan ng unibersidad.

“[Our immediate priority] is to ensure the safety and well-being of all constituents, particularly our Christian community. We are aware of the heightened sensitivities and concerns that arise from such a tragic event, and we want to assure everyone that we are taking every measure possible to protect our students, faculty, and staff,” sinabi pa ng pamantasan.

Suspendido pansamantala ang klase sa MSU. Nagdagdag na rin ng seguridad sa buong campus, at patuloy ang pakikipagugnayan nito sa mga awtoridad.