3 paslit dedo matapos tamaan ng kidlat

Nasawi ang tatlong magpipinsan matapos tamaan ng ulan habang naliligo ang mga ito sa ulan.

Nasawi ang tatlong magpipinsan matapos tamaan ng ulan habang naliligo ang mga ito sa ulan.

Kinilala ang mga biktima na sina Rexter Enriquez, 16, Roxanne Enriquez, 12 at April dela Cruz, 11.

Ayon sa isa pang kasamahan ng tatlo, naglalaro sila ng bola sa ulanan nang biglaang kumidlat, paglingon umano niya ay nakahandusay na ang mga ito at umuusok.

“Habang nagbobola po kami tas po nung kinuha ko po yung bola dito sa likod ng poste po, nung pagkuha ko po bigla pong kumidlat nang malakas tas paglingon ko po wala nang malay mga pinsan ko tas umuusok po,” pahayag ng saksi sa 24 Oras.

Agad namang naisugod sa ospital ang mga bata subalit idineklara itong dead on arrival.