3 OFW patay sa sunog sa Kuwait

Nasawi ang tatlong overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa isang gusali sa Kuwait.

Nasawi ang tatlong overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa isang gusali sa Kuwait.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang ang tatlong Pinoy na nasawi ay namatay dahil sa suffocation mula sa usok mula sa sunog.

11 na OFW ang namonitor ng DMW na nasa gusali noong mangyari ang insidente.

Dalawa rito ay nasa kritikal pang kondisyon habang ang anim naman ay nasa mabuting kalagayan.

Inatasan na ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang migrant workers office sa Kuwait para ma-repatriate ang mga labi ng nasawing OFW.

Samantala, kinokontak na rin ng DMW at OWWA ang mga pamilya ng OFW na naapektuhan ng sunog.

“We will provide all the necessary assistance and support to the OFWs and their families in this difficult time as directed by the President,” ayon kay Cacdac.