3 NPA member, sa bakbakan sa Iloilo

Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army (NPA) ang napatumba ng militar sa engkwentrong naganap sa San Joaquin, Iloilo ngayong Miyerkules.

Tatlong pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatumba ng militar sa engkwentrong naganap sa San Joaquin, Iloilo ngayong Miyerkules.

Ayon kay 301st Infantry Brigade Commander Brigadier General Michael Samson, nakatanggap sila ng ulat mula sa mga residente na may umaaligid na mga NPA member sa lugar kaya’t ikinasa nila ang operasyon.

Nasa 20 rebelde umano ang nakasagupa ng militar. Umabot naman sa halos 20 minuto ang palitan ng putok kung saan tatlong NPA member ang napatay.

Wala namang nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Matapos ang bakbakan ay nakumpiska ng militar ang apat na M16 at isang AK47.