3 kongresista sumali sa Lakas-CMD ni Romualdez

Tatlong kongresista ang sumali sa Lakas-CMD na pinamumunuan ni House Speaker Martin Romualdez.

Tatlong kongresista ang sumali sa Lakas-CMD na pinamumunuan ni House Speaker Martin Romualdez.

Sina Samar Rep. Reynolds Michael Tan, Leyte Rep. Carl Nicolas Cari at Cebu Rep. Rhea Mae Gullas ay nagkaroon ng oathtaking ceremony sa House of Representatives.

Si Cari ay nanggaling sa PDP-Laban na partido ni ex-President Rodrigo Duterte. Sina Gullas at Tan naman ay nagmula sa Nacionalista Party.

“With your wealth of experience, dedication to public service, and unwavering principles, I am confident that your presence will further strengthen our ranks and contribute significantly to our shared vision of progress and unity,” ayon kay Romualdez.

“Your decision to align with Lakas-CMD underscores the party’s steadfast commitment to championing the interests and aspirations of the Filipino people,” saad pa ng House Spekaer.

Sa ngayon ay 97 na ang miyembro ng Lakas-CMD para maging pinakamalaking political party sa bansa.