3 kaanak, sugatan matapos na masagi ng SUV ang sinasakyang motorsiklo sa Pilar, Sorsogon

Napag-alaman din na walang suot na mga helmet ang mga biktima kaya naman nagtamo ang mga ito ng head injuries at mga gasgas sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan na agad namang isinugod sa Donsol District Hospital.

Sugatan ang drayber ng isang motorsiklo maging ang dalawang (2) backride nito matapos silang masabitan ng isang SUV sa Barangay Naspi, Pilar Sorsogon pasado alas 5:20 ng hapon nitong Martes, Disyembre 19.

Kinilala ang drayber ng motorsiklo na si Kyzel Clemente Y Quinones, 25 anyos at empleyado ng LGU Donsol. Sakay nya ang 46 anyos na ina na kinilala si Noemela Clemente Y Quinones maging ang kaniyang 4 anyos na anak pawang residente ng Barangay Away, Donsol, Sorsogon.

Ang drayber ng nakabanggang behikulo ay kinilala namang si Elmer Lovenia Y Encrisco, 37 anyos, residente ng Purok 2, Abas Pilar, Sorsogon.

Sa imbestigasyon, galing sa Barangay Putiao ang dalawang motorista bago mangyari ang aksidente.

Ayon sa PNP, may iniwasang lubak ang motorsiklo saktong nag overtake ang SUV na nagresulta sa aksidente.

Ayon sa PNP, ito ang pangalawang beses na may naitalang insidente sa naturang lugar.

Napag-alaman din na walang suot na mga helmet ang mga biktima kaya naman nagtamo ang mga ito ng head injuries at mga gasgas sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan na agad namang isinugod sa Donsol District Hospital.

Inako naman ng drayber ng SUV ang lahat ng gastusin para sa pagpapagamot ng mga biktima at nagkasundo na din ang mag kabilang panig na hindi na magsasampa pa nang kaso.