3 dedo sa pagkain ng butete sa Albay

Tatlo ang patay habang apat ang naospital matapos kumain ng butete sa Libon, Albay noong Miyerkoles.

Tatlo ang patay habang apat ang naospital matapos kumain ng butete sa Libon, Albay noong Miyerkoles.

Ayon kay Lt. Col. Malu Calubaquib ng Police Regional Office sa Bicol (PRO5), ang pitong biktima ay mula sa Barangay Tambo sa nasabing bayan.

Dalawa umano sa mga nasawi ay pawang mga mangingisda, na ead 36 at 49. Samantala, ang ikatlong biktima ay misis pa ng isa sa mga nasawi.

Nagpapagaling na sa pagamutan ang mga nakaligtas na biktima.

“After eating, after a few minutes, they experienced stomach ache and vomiting. They were rushed to Pantao District Hospital for medical attention. The four victims who survived were transferred to the Bicol Regional Hospital and Medical Center in Legazpi City for further medical attention and monitoring,” pahayag ni Calubaquib.

Sa ilalim ng Fisheries Administrative Order No. 249 Series of 2014 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng butete dahil nakalalason ito.