3 blacklisted Chinese na tinangkang lumusot sa BI, arestado!

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese nationals na nagtangkang lumusot sa counter ng ahensya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Chinese nationals na nagtangkang lumusot sa counter ng ahensya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa ahensya, ang tatlong Chinese nationals ay mayroong derogatory records at sakop ng mga blacklist order na inilabas noong 2023.

Ang tatlong Chinese nationals ay dinala sa pasilidad ng BI sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportasyon.

“We will continue to work tirelessly to identify and apprehend individuals who attempt to circumvent immigration laws and regulations,” pahayag ni BI Commissioner Norman Tansingco.