3, arestado ng PDEA sa raid na ginawa sa isang drug den sa Legazpi City

Umabot sa P109,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa lugar.

LEGAZPI CITY, ALBAY – Hindi na nakapalag pa sa awtoridad ang tatlong indibidwal nang sila ay arestuhin sa ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Catanduanes at Legazpi City Police Station, alas-7:30 nitong Miyerkules, September 20, 2023 sa Barangay Arimbay, Legazpi City.

Kinilala ang mga suspek na sina Paul Simon Ortiz na target ng operasyon at drug den maintainer, Reymart Azurin at Jerome Ortiz na pawang residente ng naturang lugar.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang ilang plastic sachet laman ang pinaghihinalaang shabu na may bigat na higit 16 na gramo o P190.00 ang street value.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharaping asunto ng mga suspetsado.