2k land titles, kagamitang pansaka, handog ni PBBM sa mga Bikolano

Magpapamigay ng 2,115 titulo ng lupa at mga kagamitan sa pagsasaka si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III sa mahigit kumulang 1,965 benepisyaryo ng agrarian reform sa Bicol.

Ayon kay DAR-Bicol Regional Director Reuben Theodore C. Sindac, aabot sa tatlong libong ektarya ng lupain ang ipapamigay sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa Albay, Sorsogon, Masbate, Catanduanes, Camarines Norte, at Camarines Sur.

Aniya, nasa 810 certificates of land ownership awards (CLOAs) at 1,305 electronic land titles (e-titles) ang ipapamahagi sa mga residente na parte rin ng “Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT)” project ng ahensya.

Dagdag sa mga titulo, makakatanggap din mula kay Marcos ang mga ARBs ng mga kagamitan para sa pagsasaka tulad ng compact rice mill with a polisher, 35-horsepower harvester, corn sheller, feed mixer, hammer mill, motorized hauler, 4WD tractor, hand tractor, at palay thresher, na may halagang aabot sa P4.48-M.

Samantala, gaganapin ang pamamahagi ng lupain sa Fuerte Sports Complex sa Pili, Camarines kung saan tatalakayin ang kasalukuyang plano at progreso ng mga programa ng pamahalaang Marcos para sa mga Bikolanong magsasaka.