$288-M project palalakasin Internet connectivity ng bansa

Para mapabilis pa ang internet connection sa bansa, inaprubahan na ng National Economic Development Authority ang $288-milyong Philippine Digital Infrastructure Project (PDIP).

Para mapabilis pa ang internet connection sa bansa, inaprubahan na ng National Economic Development Authority ang $288-milyong Philippine Digital Infrastructure Project (PDIP).

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabin ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Jeffrey Ian Dy na gagamitin ang pondo para sa expansion ng coverage ng libreng Wi-Fi program.

Target ng DICT na kumpletuhin ang national fiber backbone program sa pamamagitan ng pagtatayo ng 772 libreng Wi-Fi sites sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Bibigyang prayoridad aniya ng DICT ang mga eskwelahan, health centers at iba pa.

“We should be able to also provide 772 free Wi-Fi sites concentrating on Mindanao in Region XI – Regions XI and Region XIII,” pahayag ni Dy.

Oras na matapos sa taong 2028, sinabi ni Dy na tataas ng 10 porsyento ang Internet penetration rate o coverage sa bansa kung saan tataas ng 1.38 porsyento ang gross domestic product (GDP).