26 pasahero ng nagka-aberyang bangka sa Siquijor, nasagip

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 26 pasahero at crew ng distressed vessel na MV APEKOP 2 sa Port of Larena, Siquijor.

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 26 pasahero at crew ng distressed vessel na MV APEKOP 2 sa Port of Larena, Siquijor.

Ayon sa PCG, patungo ang bangka sa Tagbilaran, Bohol nang magkaaberya ang injection pump dahilan para ma-stranded sa karagatan.

Agad naman na ipinadala ng PCG ang BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) para magsagawa ng rescue operations.

Nasa ligtas ng kalagayan ngayon ang mga pasahero at crew ng bangka.

Hinatak na ng PCG ang bangka sa Larena Port para ayusin.