26 anyos sa Lapu-Lapu City nagpatuli, binigyan ng P10K!

Jackpot ang isang 26 anyos na lalaki na nagpatuli sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City.

Jackpot ang isang 26 anyos na lalaki na nagpatuli sa Barangay Basak, Lapu-Lapu City.

Ayon sa Facebook post ni Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan, bukod kasi sa libreng tuli, nakakuha pa ang lalaki na itinago sa pangalang Alfredo Jr. ng P10,000 bilang premyo sa pagiging pinakamatandang nagpatuli.

Nagsagawa si Chan ng “Operation Libreng Tuli” sa Lapu-Lapu City.

Sinabi pa ni Chan na maswerte rin si Alfredo Jr. dahil ang nag-aasist sa kanya sa pagtuli ay si Binibining Lapu-Lapu 2023 Cheron Kisses Co.

Nabatid na isang Dr. Ashkey ang nagawa ng operasyon kay Alfredo Jr.

“Swerte pa gyud kaayo kay ang nag-assist niya kay ang atong maanyag kaayu nga Binibining Lapu-Lapu 2023 nga si Cheron Kisses Co. Gi-assist sad siya sa atong batan-on nga Brgy Captain sa Looc nga si Kap Jaic Tampus. Ang mi-opera niya kay si Dr Ashley,” pahayag ni Chan sa Facebook post.

“Pagka-swerte ni Alfredo! Na-ulitawo na gani, naka-P10,000 pa gyud! Congrats Alfredo!”