23 opisyal sumapi sa Lakas-CMD

Nadagdagan ang pwersa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa bansa matapos sumumpa bilang mga bagong miyembro ang 23 opisyal nitong Huwebes.

Nadagdagan ang pwersa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa bansa matapos sumumpa bilang mga bagong miyembro ang 23 opisyal nitong Huwebes.

Karamihan sa 23 na mga bagong miyembro ay pawang mga lokal na opisyal sa mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Nanumpa ang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD kay House Speaker Martin Romualdez, na siyang presidente ng partido.

Tiwala si Romualdez na magiging kaisa nila ang mga bagong miyembro sa kanilang mga plano para sa ikauunlad ng bansa.

“As you officially become part of our political family, I am confident that your energy, passion, and ideas will invigorate our collective efforts towards realizing a brighter future for all Filipinos,” saad ni Romualdez.