23 FB page na nagbebenta ng sanggol, burado na

Abot sa 23 Facebook page na sangkot sa bentahan ng bata ang binura na ng Meta.

Abot sa 23 Facebook page na sangkot sa bentahan ng bata ang binura na ng Meta.

Ayon sa National Authority for Child Care (NACC), nakikipagtulungan ang kanilang ahensya sa Meta Philippines para mawalis ang mga nagbebenta ng bata sa naturang social media platform.

Aniya, nagiging pugad ng human trafficking ang Facebook dahil madali ang komunikasyon dito.

“So ang Facebook po kasi ay data-free ‘di po ba, at dahil sa mga groups na ito, mas madali pong makapag-interact ang mga illegal adopters at iyong mga nanay o magulang na gustong ibenta ang kanilang mga babies; sila po iyong mga nag-aahente po sa kanila,” ayon kay NACC Domestic Administrative Adoption Division chief Imelda Ronda.

Marami na ang naburang FB page dahil sa pagtutulungan ng Meta at ilang ahensya.

“Marami na po talaga dito sa mga accounts sa social media ang nawala na po, either nag-self-deactivate po at iyong iba naman po ay taken down by Meta PH and DICT Cybercrime Investigation Coordinating Center,” saad pa.