23 FB page binabantayan sa pagbebenta ng bata

Minomonitor ng National Authority for Child Care (NACC) ang abot sa 23 social media page na umano'y sangkot sa pagbebenta ng bata online.

Minomonitor ng National Authority for Child Care (NACC) ang abot sa 23 social media page na umano’y sangkot sa pagbebenta ng bata online.

Ayon kay NACC executive director Janella Estrada, ang 23 page sa Facebook ay dini-disguise ang pagbebenta ng mga sanggol bilang adoption.

“The PNP is currently working on leads and follow-ups. We sent a letter to Facebook Meta Philippines but we haven’t received a reply and (Department of Social Welfare and Development) Secretary Rex Gatchalian committed to help in writing a letter to Meta Philippines,” saad ni Estrada.

Aniya, abot sa P10,000 hanggang P100,000 ang presyo ng mga binebentang bahay online.

Isa sa na-rescue ng PNP Women and Children Protection Center ay isang sanggol na walong araw pa lang isinalang.

Ayon kay Estrada, nagkakaroon na ng transaksyon bago pa man isilang ang bata.

“Diyan sila nag-uusap ng mga nag-aalok ng baby, actually, kahit nasa tiyan pa lamang po ng mga biological mothers, naghahanap na po sila ng mga ahente at brokers para ampunin po ang kanilang mga anak,” saad ng NACC official.

Posibleng maparusahan ng abot sa 20 taon hanggang habambuhay na pagkakakulong ang mapapatunayang nagkasala sa human trafficking.