23 empleyado ng NFA, balik-trabaho na

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang suspensyon ng 23 opisyal at empleyado ng National Food Authority (NFA).

Inalis na ng Department of Agriculture (DA) ang suspensyon ng 23 opisyal at empleyado ng National Food Authority (NFA).

Pinabalik na ng trabaho ang naturang mga empleyado matapos madiskubre ng mga awtoridad na may mali sa mga datos na isinumite ng DA.

“Iyan ay magandang balita para sa mga empleyado dahil sila ay na-suspend without pay,” pahayag ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa nitong Biyernes. “So, malaking tulong sa kanila na ma-lift para makatulong uli sa kanilang pamilya.”

Sa kabuuan, 141 na empleyado ng NFA ang sinuspinde ng Office of the Ombudsman kaugnay ng diumano’y pagbebenta nila ng buffer stock ng bigas sa mga pribadong trader.

Nitong Miyerkoles, 108 sa mga sinuspinde ang naghain ng kanilang motion for reconsideration sa Ombudsman.

Ang ipinataw na suspensyon ng Ombudsman ay anim na buwan. Kalakip na rin nito na hindi tatanggap ng sahod ang mga nasuspindeng empleyado.