21 Pinoy seafarers na inatake ng Houthi, uuwi ng bansa sa Lunes

Pauwi na ng Pilipinas sa darating na Lunes ang 21 Filipino seafarers na sinagip mula sa MV Tutor na inatake ng mga rebelde ng Houthi sa Red Sea.

Pauwi na ng Pilipinas sa darating na Lunes ang 21 Filipino seafarers na sinagip mula sa MV Tutor na inatake ng mga rebelde ng Houthi sa Red Sea.

Kasama sa mga aalalay sa kanilang pag-uwi si Department of Migrant Workers (DMW) Labor Attaché Hector Cruz.

Kamakailan kasi ay nasa 22 na Filipino seafarer ang nasa MV Tutor nang atakihin ng grupo ng Houthi habang naglalayag sa Red Sea noong Miyerkoles.

Dahil dito, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dalhin sa ligtas ang mga naturang seafarer.

Ligtas namang dumating sa sa Port ng Manama, Bahrain ang 21 seafarer noong Sabado, habang ang isa pa ang nawawala sa barko.