20 Pinay transgender nakipag-rambulan sa Thailand

Nasangkot sa gulo ang 20 Pinay transgender sa Thailand matapos silang makipagsuntukan sa mga kapwa transgender sa Bangkok nitong Lunes.

Nasangkot sa gulo ang 20 Pinay transgender sa Thailand matapos silang makipagsuntukan sa mga kapwa transgender sa Bangkok nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng Asia News Network, apat na transgender Thai ang nakabanggaan ng mga Pinay sa isang kainan sa Soi Sukhumvit 11 sa nabanggit na siyudad.

Batay naman sa kaibigan ng isang Thai, may alitan na noon pa ang dalawang paskyon, ngunit ito ang unang beses na humantong sa pisikalan.

Isang Thai ang naiulat na nasaktan sa pangyayari. Natigil naman ang gulo nang dumating na ang mga pulis. Inimbitahan din ang lahat ng sangkot sa gulo sa estasyon ng pulis.

Patuloy na iniimbestigahan ang ugat ng away. Titingnan din umano ang papeles ng mga Pinay upang malaman kung legal ba silang naglalagi sa naturang bansa.