2 yr mandatory citizen service training sa kabataan, isusulong sa Kamara

Isinusulong ngayon ni 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero ang dalawang taong mandatory citizen service training.

Isinusulong ngayon ni 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero ang dalawang taong mandatory citizen service training.

Kasama ang iba pang military reservists, personal na pumunta si Romero kay Speaker Martin Romualdez noong nakaraang linggo. Nangako si Romualdez na bibigyang-priyoridad ang pagpasa ng National Citizen Service Training (NSTC) at Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bill.

Matatandaan na noong Disyembre 2023, naipasa na ng House sa ikatlo at pinal na pagbasa ang version nito ng NSTC-ROTC bill.

Si Romero, isang senior administration lawmaker at reserve officer ng Philippine Air Force (PAF), ay chairman din ng board of trustees ng Association of Reservists and Reservist Administrators Inc.

Kasama ni Romero sa courtesy call sina dating Agusan del Norte congresswoman Charito Plaza, Maj. Gen. Joel Alejandro Nanac, at Brig. Gen. Vicente Ronatay.

Ayon kay Romero, ang NSTC-ROTC bill ay mag-aamenda sa Republic Act 7077 o ang Reservists’ Law, na nagbibigay ng probisyon para sa pagbuo at pagsasanay ng “citizen armed force ng Armed Forces of the Philippines.”

Idineklarang urgent ni President Marcos ang bill na ito, dahil mapapahusay nito ang kakayahan ng mga Pilipino na magsilbi sa panahon ng kalamidad, emergency, rebelyon, invasion, o digmaan.