2 wanted na banyaga, nalambat ng BI

Nasakote ng Bureau of Immigration (BI) nitong nakaraang linggo ang dalawang banyaga na naglalagi sa Pilipinas sa gitna ng mga kasong kanilang kinahaharap sa kani-kanilang bansa.

Nasakote ng Bureau of Immigration (BI) nitong nakaraang linggo ang dalawang banyaga na naglalagi sa Pilipinas sa gitna ng mga kasong kanilang kinahaharap sa kani-kanilang bansa.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Li Ming Hsiu, 44, mula Taiwan at Joo Han Wong, 39, mula South Korea.

Nahuli ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon sa Makati at Parañaque nitong Marso 5 at 6.

Si Liu ay pinaghahanap sa Taiwan sa kasong money laundering, habang si Joo naman ay wanted sa Korea sa kasong may kinalaman sa cybercrime.

Bukod pa rito, napag-alamang undocumented alien ang dalawwa dahil na-revoke na ang kanilang mga pasaporte.

Ipapa-deport ang dalawa sa kanilang mga bansa ay iba-blacklist upang hindi na muling makapasok sa Pilipinas.