2 terorista, ‘persons of interest’ sa pagsabog sa Mindanao State University-Marawi—PNP

Dalawang hinihinalang miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group ang tinukoy ng pambansang kapulisan na persons of interest sa naging pagsabog sa Mindanao State University-Marawi sa tulong na rin ng mga eyewitness testimony.

Tinukoy ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang hinihinalang miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group bilang persons of interest sa malagim ba pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

Ito ay sina Kadapi Mimbesa (alyas ‘Engineer’) at Arsani Membesa (alyas ‘Khatab’ o ‘Lapitos’).

BASAHIN RIN: 3 patay, higit sa 40 sugatan sa pagsabog sa Mindanao State University-Marawi City

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang press briefing sa Camp Crame sa Quezon City, may mga nakakita umano kay Mimbesa na dala-dala ang bag na diumano ay naglalaman ng bombang ginamit sa pagsabog.

Siya rin ay may arrest warrant sa Marawi City dahil sa pagpatay.

“They were seen around 6:27 a.m. while on the way to the MSU gymnasium. At around 7 a.m., they were seen entering the MSU through the enhanced CCTV (closed circuit television) camera footage. Before the blast occurred, they were seen leaving the MSU and one of the POIs used his mobile phone to call somebody which might have triggered the blast. Then, they immediately left the MSU premises,” sabi ni Fajardo.

BASAHIN RIN: Mananagot sila sa batas! PBBM, kinondena ang pagsabog sa Mindanao State University-Marawi City

Aniya, ngayon pa lamang nailabas ng PNP ang litrato nina Mimbesa at Membesa dahil bineripika muna nila ito sa Armed Forces of the Philippines.