2 tauhan ni Quiboloy sumuko sa NBI

Dalawang personal assistant ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Huwebes ng umaga.

Dalawang personal assistant ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy ang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang dalawa bilang sina Jackielyn Roy at Ingrid Canada.

Ang dalawa ay dawit sa warrant of arrest laban kay Quiboloy kaugnay ng kasong child abuse.

Hindi naman ibinunyag ng NBI kung saan sumuko ang dalawa, bagamat magkasama umano sila nang mangyari ito.

Ang iba pang sakop ng warrant of arrest laban kay Quiboloy ay sina Cresente Canada, Paulene Canada, at Sylvia Cemañes. Si Cresente ay naaresto noong Miyerkoles samanatalang sina Paulene at Cemañes ay sumuko. Gayunman, nakapag-piyansa na ang mga ito.

Si Quiboloy naman ay hindi pa mahagilap ng mga awtoridad.