2 tauhan ng NAIA pinuri sa pagsauli ng nagpulot na pera, gamit

Kinilala ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang kabutihan ng dalawang kawani ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na isinauli ang mga napulot nilang pera at gamit sa mga nagmamay-ari nito.

Ang isa sa mga pinuri ng MIAA ay kinilala bilang si Victor Perez, 52, anyos at isang porter sa NAIA Terminal 1.

Ayon sa MIAA, nakapulot si Perez ng $10,000 na naka-bundle habang nag-aayos ng mga pushcart noong Abril 13.

Dinala umano ni Perez sa Lost and Found office ng paliparan ang nasabing halaga, at nakabalik ito sa pasaherong Koreano.

Samantala, noong Abril 14 naman ay isinauli ng security guard na si Albert Bautista ang bag na nakita niya sa Bay 7 ng arrival area. May lamang laptop, smart phone, at kwintas ang bag, na naibalik sa may-ari.

“Hats off to Messrs. Victor Perez and Albert Bautista for their honesty. Both should be emulated by everyone in NAIA. Let the culture of honesty thrive in the midst of endless temptations around us,” saad ni MIAA General Manager Eric Ines.

Tatanggap umano ng parangal ang dalawa sa flag ceremony ng MIAA sa Mayo.