2 suspek sa pagpatay kay ‘DJ Johnny Walker’ arestado

Naaresto na ng pulisya ang dalawa sa tatlong salarin sa pagpatay sa radio DJ na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon nitong Biyernes sa Barangay Poblacion, Sapang Dalaga, Misamis Occidental.

Naaresto na ng pulisya ang dalawa sa tatlong salarin sa pagpatay sa radio DJ na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon nitong Biyernes sa Barangay Poblacion, Sapang Dalaga, Misamis Occidental.

Kinilala ang mga suspek bilang sina Boboy Bongcawel at Renante Bongcawel, parehong 39-anyos at mag-pinsan.

Naaresto ang dalawa sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 36, 10th Judicial Region, para sa mga kasong murder at theft.

Ayon sa mga imbestigador, si Boboy ang nanutok ng baril sa helper ni Jumalon para makapasok ang gunman.

Samantala, si Renante naman ang nagsilbing tsuper ng kanilang getaway vehicle.

Patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya ang ikatlong suspek, na si Julito Mangumpit, alyas Ricky, na siyang bumaril kay Jumalon sa loob ng kanyang radio station noong Nobyembre ng nakaraang taon.

May patong na P3.7 milyon sa ulo ang tatlong suspek.