2 pulis nagyugyugan sa parking lot, bistado ng mga asawang pulis din!

Huli sa aktong nagtatalik ang dalawang pulis sa parking lot ng isang mall sa Laguna. Ang nakakita sa kanilang ginagawa ay ang kanilang mga asawa na kapwa pulis din.

Huli sa aktong nagtatalik ang dalawang pulis sa parking lot ng isang mall sa Laguna. Ang nakakita sa kanilang ginagawa ay ang kanilang mga asawa na kapwa pulis din.

Base sa ulat ng mga awtoridad, matagal na umanong may pagdududa ang kanilang mga asawa na may relasyon ang dalawa.

Ang lalaking opisyal ay may edad na 40-anyos habang ang babae naman, na may ranggong police executive master sergeant, ay 41 taong gulang.

Nitong Huwebes, may nagbigay umano ng tip na magkasama ang dalawa sa mall, kung kaya’t pinuntahan agad nila ito.

Dito natuklasan na nagtatalik ang mga ito sa loob ng sasakyan ng babaeng pulis.

Sinubukan pang tumakas ng dalawa subalit agad na nabaril ng asawang lalaki ang gulong, habang nabaril naman ng asawang babae ang kanyang mister sa balikat upang hindi na makatakbo.

Samantala, tuluyang nakatakas ang babaeng pulis, na ngayon ay pinaghahahanap ng awtoridad. Naisugod naman ang lalaking opisyal sa ospital.

Ngayon ay sinampahan na ng kaso ang dalawa.