2 ‘Pinoy seafarers, patay sa Houthi missile attack sa Yemen; 2 iba pa malubha

Dalawang Pilipino ang namatay sa pambo-bomba ng rebeldeng grupo na Houthi sa isang barko na naglalayag sa Red Sea at Gulf of Aden.

Ito ang kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) sa isang pahayag ngayong Huwebes.

Dalawang Pilipino pa umano ang malubha ang kalagayan dahil sa pag-atake ng mga rebelde sa cargo ship na True Confidence.

“With great sadness, the DMW confirms the deaths of two Filipino seafarers in the most recent attack by Houthi rebels on ships plying the Red Sea and the Gulf of Aden,” ayon sa DMW.

“We are also informed that two other Filipino crewmen were severely injured in the attack on their ship. We pray for their immediate recovery,” dagdag pa nito.

Mayroon umanong 20 tripulante at tatlong armadong guards ang sakay ng barko, kabilang ang 15 Filipinos, apat na Vietnamese, dalawang Sri Lankans, at Indian at Nepali national.